Tuesday, April 01, 2008

Petsa sa Pilipinas, pataas ng pataas! Gobyerno aaksyunan agad ang krisis!


DUMARAMI NA ANG DUMADAING sa patuloy na pagtaas ng petsa sa Pilipinas. Tinatayang araw-araw sa mga nakaraang buwan ay may nangyayaring pagtaas sa halaga ng kasalukuyang petsa. Ayon kay Secretary of Finance Margarito Teves, bagamat bumagsak ang petsa ngayong Abril 1, maasahan daw na tataas muli ang petsa sa mga darating na araw. "This is bigger than the Philippines. Many outside factors are at play, like global warming."

Marami sa mga kababayan natin ang nakararamdam na ng kagipitan dahil sa walang patid na pag usad ng gulong ng panahon. Isa na rito si Jacko, taga Mandaluyong. "Yung lipad ng eroplano ko papuntang Dubai eh nung 25, eh nung pumunta ako sa NAIA eh sabi nila hindi na daw ako pwede lumipad kasi 28 na. Pahirap talaga 'tong pag-bago bago ng petsa, hindi ko maintindihan!" Si Feli naman, taga-Navotas iba naman ang daing "Konti nalang at Mayo na, malapit na akong manganak. Naloloka na ako!"

Ayon sa mga ekonomista, sa bawat isang puntong pag-taas ay nababawasan ng isang araw ang buhay ng bawat Pilipino.

Nangako naman ang gobyerno na gagawan agad ng mga hakbang para pigilan ang pag akyat ng bilang sa kalendaryo. Nabanggit ni Secretary Eduardo Ermita na mayroon nang nahandang solusyon ang national government. "Sa U.S. mayroon silang tinatawag na Daylight Savings. Which is a good idea, kasi you should not waste your days, you should save it." Naglalaan daw ng pondo ang gobyerno para makapagtayo ng Daylight Savings Bank kung saan maaring magimpok ng oras at panahon ang mga manggagawang Pilipino.

Bilang pansamantalang lunas, maraming mga tao ang gumagawa ng mga paraan para maibalik ang kahapon, tulad ng pag-iinuman, pag-lambing sa misis, o pagapapaturok ng botox.

2 comments:

Andalusia said...

Ay parang ako, naloloka na't matatapos na ang LOA ko WAAAAAAAHHHHH.

turdplanet said...

balita ko tsong baka umabot na ng 32 ang petsa kung di masolusyunan ito. ang pinakamataas na natala eh 31 lang lang. nakakatakot.