Thursday, November 24, 2005

magkapera scam #23

ganito, ganito
para yumaman tayo:
bibili tayo ng bus
tapos tatanggalin natin lahat ng upuan
(maliban ang sa drayber)
mag lalagay tayo ng maraming "safety handrail"
tapos ipapasada naten
mas marami tayong maisasakay dahil lahat nakatayo
pwede natin babaan ang minimum na pasahe naten
tapos tuwing katapusan ng buwan
maglalagay tayo ng banda sa luob
at maniningil tayo ng "entrance fee"
at magbebenta ng "red horse"
habang rumoronda sa metro manila
parang mayrics na may gulong
yan ang "bling bus"
kung mayroon gustong maging "shareholder"
mag deposito lamang sa BPI akawnt na ito: 8335 0488 74
kung may tanong ay isulat sa "comments"

3 comments:

Andalusia said...

bat parang LRT yan?

sonicmute said...

yung parteng may gimikan sa sasakyan nagawa na sa isang tren sa europe ata

gingmaganda said...

ang theme song mo ay "ignition" ni r. kelly