now here's something for april fools that i wish i had the guts to do. because its so funny. maybe one of you can do it and tell me about it after.
Galing ng Novaliches ang bus at papunta na ito ng Baclaran. Ordinary kaya ang kapal ng usok ay pwede mong kusutin. Mainit at ang mga tao ay lukot at kupas parang lumang pera. Alas-tres imedya ng huminto ang bus sa tapat ng Heritage sa kanto ng Edsa extension at Roxas boulevard, bago mag flyover. Nagsakay ito ng pasahero. Umakyat ang isang lalaki na naka polo barong. Mukha siyang malinis at amoy mumurahing pabango. Humarurot muli ang bus kaya kumapit ang lalaki at nagsimulang sumuray-suray papasok. Sa isa niyang kamay ay mag tangan siyang makapal na libro. Baka diksyunaryo, ang isip ng iba. Ngunit hindi nag-hahanap ng upuan ang mga mata ng lalaki, bagkus ay pagkarating nito sa gitna ng bus ay tumayo ng tuwid at nagsimula: "Magandang hapon mga kapatid na Manlalakbay, at magandang hapon sa kapatid na Tsuper at Kundoktor. Gambalain ko lang po ng isang sandali ang inyong pagbiyahe dahil ako po ay isang Alagad ng Katotohanan at nais ko lamang po ipaabot ang Magandang Balita na dapat marinig ng buong Sangkalibutan. Opo, dala ko po ang Magandang Balita at nawa ay alayan man lamang ninyo ako ng kahit isang tainga kung hindi man dalawa at isang sandali lamang po kung hindi man lima para maibahagi ko ang isang Mahalagang Katotohanan. Dahil ang Magandang Balita o Good News sa Ingles o gud nws kung itext ay ito: Wala pong Diyos. Tama. Iyan po ang Magandang Balita. Wala pong Diyos. At dahil walang Diyos ay wala rin pong Demonyo at Impyerno. Kapwa tao lang po natin ang nag Di-diyosdisyosan at kapwa tao lang ren po natin ang nang Dedemonyo ng kapwa nila. Kaya mula ngayong araw na ito, nasa kamay na ninyo ang Kapalaran ninyo at kayo lang rin ang dapat sisihin sa kung ano mang Kabulastugan o Katangahan na mangyayari sa buhay ninyo. Wala pong himala. Ayaan ninyo pong alayan ko kayo ng isang dasal: O Mundo na hindi nilikha at walang patutunguhan, kaawaan po ninyo ang mga Anak ninyong mga ito na Walang Saysay ang buhay. Halellujah Amen. Salamat po uli mga kapatid na Manlalakbay at salamat muli sa ginoong Tsuper at Kundoktor. Magandang hapon at maaliwalas na paglalakbay" Nag abot ang lalaki ng mga sobre. Bibigyan mo kaya siya ng pera?
okay so maybe some of you didn't think it was so funny. blasphemy is a tricky thing. if i die within the week that means He/She doesn't have a sense of humor (at least my life won't be a waste if i prove there really is a God) if i'm still alive that probably means He/She is going to do something Much worse
Wednesday, October 19, 2005
Posted by sonicmute at 7:19 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
gawin mo na! sakto halloween! :P di ko pwedeng gawin yan kasi kahit anong iwas ko sa subject eh nahahaluan pa rin ng relihiyon hekhekhek ang aking mga session. sakto nga during my first paid gig eh sabi ko magsimba kayo mga kapatid dahil ayos linggo nga naman at marahil tinatawag kayo ng ating Panginoon, tapos mga 3 hrs later eh nabalitaan namin straight from Ireland eh namahinga na ang Santo Papa. :( hehe.
No, i dont think im ready to face the righteous anger of the ordinary god-fearing filipino citizen. men have been lynched for less, i think.
hahaha... nakakatawa. ayuz ... masaya magbasa ng ganito lalu na't sobrang boring sa office. haha. btw, hello!!
marami naman kaming susuporta. may papalakpak, may kakanta, at may luluha sa iyong declaration, woohoo, tas lahat mag-aabot ng fera! :P
pero takot ko lang din ma-lynch at ma-excommunicate.
wag ka matakot pre, wala talagang diyos kaya okey lang yang kwento. kwela
okay nga yung kwento. pero gusto ko kasi gawin eh! kaya lang bka di ko kayanin pag nagalit yung mga pasahero. bka ikaw kaya mo gawin, tulungan kita. pagkakataon nating dumagdag sa kaguluhan sa mundo!
Post a Comment