Sunday, September 11, 2005

plato's cave

Image hosted by Photobucket.com

Kaya mo bang hulaan ang pamagat ng drawing na ito? (Kung sirit ka na, tingnan ang "comments" para sa sagot)

2 comments:

sonicmute said...

Buhay kulangot

Hindi biro ang maging isang kulangot. Isang araw bigla ka nalang susulpot sa mundo, hindi alam kung saan nanggaling o kung bakit ka narito. Hindi mo malaman kung aabante o aatras. Ang isang kulangot ay walang magulang, walang pamilya. Ang tanging karamay niya ay ang mga kapwa kulangot niya na kasing tuliro rin niya. Kaya sila sila talaga ang nag-"bobonding"; "They have to stick together" kung sabihen nga sa ingles, kailangan nilang bumuklod, parang...parang...kulangot.
Minsan masaya sila at magiging malusog at mataba. Pero tulad ng lahat ng ligaya, maikli lamang iyon dahil hindi magtatagal ay darating ang Dambuhala para hanapin at ubusin sila. Ito ang panahon ng Dalamhati. Lilindol, babagyo, babaha; kumapit man sila o magtago ay hindi makakatakas, tulad ng nakasaad sa bibliya ng mga kulangot. At sa mga huling sandali nila ay papalapit sila sa isang "light at the end of a tunnel". May kasabihan nga ang mga kulangot, "Dust to dust" na naging popular na rin sa mga tao. Nanggaling sila sa alikabok, sa alikabok din sila babalik. Kaya sa susunod na pagkakataon na may hawak kang kulangot, masdan mo muna ito at alayan ng ilang sandaling katahimikan dahil hindi nagkakalayo ang tadhana ninyo.

A friendly reminder from the Management

-=Ninna19=- said...

hahahaha... asteeeeeeg. di ko naisip na ganyan pala ang kulangot. di ko sila nabigyang halaga dati ... pero iba na magiging kapalaran nila ngayon. hahahahaha.