Tuesday, November 09, 2004

walangyang hangin toh andumi dumi. pag uwi ko nalang laging anlaki ng kulangot ko. parang lagi nalang ako may ubo. tapos halos lahat pa ng kabarkada ko nagyoyosi. dun nalang kaya ako magdorm sa lung center. bayaran pa siguro nila ako para mapagaralan nila ang aking organ-formerlly-known-as-lungs. sana pwede ko pa trade-in yung baga ko. kaya lang kahit pang bopis ata wala nang kukuha neto. samahan ko kaya ng kidney? pwede mo kaya ibenta ang mga daliri mo sa paa sa black market? di ko naman sila masyadong ma mimis. siguro mahihirapn lang ako tumakbo at sumayaw pero mangangalahati ang trabaho ng pagkukuko. fair trade. gusto ko sanang bumili ng masmahahabang daliri sa kamay. may mga chord na mahirap pag maiksi daliri. titingin nga ako sa buy and sell. siguradong meron dun. kung meron sa inyong may extrang daliri na gustong magbenta i ym nyo nalang ako. sana pag isang set may discount. maganda ren siguro kung puro index finger nalang noh? gusto ko ren sana bumili ng bigote. yung makapal. yung pang sabotage ng beastie boys. yung pang josef stalin. para magkamukha na kami ni chichi. groovy.

No comments: