from a bbc documentary, from bits and pieces that i know of physics, from science fiction novels, and some loose ends from philosophy:
one of the implications of the general theory of relativity is that time and space are just two sides of the same coin (not sure if the analogy is correct). this means that you can treat them as two very similar things. the way space stretches is a bit like how time stretches as well.
Figure A
in figure A, objects in space all exist together at a certain point in time. you, standing on the street exist at the same time as the house exists and the tree exists and the earth exists and the galaxy exists. you might be in different places but you all exist together. you can move towards the tree or towards the house or suddenly teleport to another planet but still all the other things will still be there in space. if the general theory of relativity is correct, the same should apply to time.
Figure B
if time has the same property as space, that means all past instances and all future instances exist together. the person you were yesterday exists as real as the person you will be tomorrow as real as the person you are this very moment. you can therefore think of the future as a place you are headed for, like you are headed for a tree; just because you havent gotten there yet it doesnt mean that it doesnt exist yet, meaning (if i understood the bbc docu right) the future already exists! and by corollary, the past STILL exists, just as the tree still exists even if you move away from it in space.
this has many interesting implications:
a) time travel and clairvoyance are both possible in a universe that follows the general relativity model
and
b) the universe is deterministic; the future is already OUT THERE. meaning you can't really change it, its already been set since time and space evolved from chaos
if somehow that depresses you, there is some relief offered by the OTHER big theory in physics, quantum theory. in the quantum universe, when you get to the very very small small tiny tiny particles of things, it seems that things are so very NOT deterministic. they actually random, chaotic. there is no predicting where this piece will be in the next millionth of a second. it could suddenly be somewhere else. everything suddenly becomes probabilistic instead of being set in stone. the happy thing about that is that there might be some way quantum randomness affects human beings so that in the end our choices are entirely free, random, nothing pre-determined
the strange thing is that physicists seem to find that BOTH theories are true, so far. how can that be? i dont know, but scientists and philosophers are trying to reconcile the two together. could it be that they could find a way to marry the idea of FATE and FREE WILL? too bad none of my friends chose to be scientists or philosophers. things like these are great with beer and peanuts
D demonstrating the concurrency of his two past selves
Wednesday, October 26, 2005
Posted by sonicmute at 7:30 PM 3 comments
Monday, October 24, 2005
Travelling Bonfires - Mayrics, Oct 14 2005
salamat kay miz jaja campos, ang babaeng maraming hawak (na banda), para sa pagkakataon na putukan ang maraming tao sa mukha (ng flash). galeng ng pinekpekan, este kinepyasan, o baka...
Posted by sonicmute at 8:31 PM 0 comments
Wednesday, October 19, 2005
now here's something for april fools that i wish i had the guts to do. because its so funny. maybe one of you can do it and tell me about it after.
Galing ng Novaliches ang bus at papunta na ito ng Baclaran. Ordinary kaya ang kapal ng usok ay pwede mong kusutin. Mainit at ang mga tao ay lukot at kupas parang lumang pera. Alas-tres imedya ng huminto ang bus sa tapat ng Heritage sa kanto ng Edsa extension at Roxas boulevard, bago mag flyover. Nagsakay ito ng pasahero. Umakyat ang isang lalaki na naka polo barong. Mukha siyang malinis at amoy mumurahing pabango. Humarurot muli ang bus kaya kumapit ang lalaki at nagsimulang sumuray-suray papasok. Sa isa niyang kamay ay mag tangan siyang makapal na libro. Baka diksyunaryo, ang isip ng iba. Ngunit hindi nag-hahanap ng upuan ang mga mata ng lalaki, bagkus ay pagkarating nito sa gitna ng bus ay tumayo ng tuwid at nagsimula: "Magandang hapon mga kapatid na Manlalakbay, at magandang hapon sa kapatid na Tsuper at Kundoktor. Gambalain ko lang po ng isang sandali ang inyong pagbiyahe dahil ako po ay isang Alagad ng Katotohanan at nais ko lamang po ipaabot ang Magandang Balita na dapat marinig ng buong Sangkalibutan. Opo, dala ko po ang Magandang Balita at nawa ay alayan man lamang ninyo ako ng kahit isang tainga kung hindi man dalawa at isang sandali lamang po kung hindi man lima para maibahagi ko ang isang Mahalagang Katotohanan. Dahil ang Magandang Balita o Good News sa Ingles o gud nws kung itext ay ito: Wala pong Diyos. Tama. Iyan po ang Magandang Balita. Wala pong Diyos. At dahil walang Diyos ay wala rin pong Demonyo at Impyerno. Kapwa tao lang po natin ang nag Di-diyosdisyosan at kapwa tao lang ren po natin ang nang Dedemonyo ng kapwa nila. Kaya mula ngayong araw na ito, nasa kamay na ninyo ang Kapalaran ninyo at kayo lang rin ang dapat sisihin sa kung ano mang Kabulastugan o Katangahan na mangyayari sa buhay ninyo. Wala pong himala. Ayaan ninyo pong alayan ko kayo ng isang dasal: O Mundo na hindi nilikha at walang patutunguhan, kaawaan po ninyo ang mga Anak ninyong mga ito na Walang Saysay ang buhay. Halellujah Amen. Salamat po uli mga kapatid na Manlalakbay at salamat muli sa ginoong Tsuper at Kundoktor. Magandang hapon at maaliwalas na paglalakbay" Nag abot ang lalaki ng mga sobre. Bibigyan mo kaya siya ng pera?
okay so maybe some of you didn't think it was so funny. blasphemy is a tricky thing. if i die within the week that means He/She doesn't have a sense of humor (at least my life won't be a waste if i prove there really is a God) if i'm still alive that probably means He/She is going to do something Much worse
Posted by sonicmute at 7:19 PM 6 comments
Sunday, October 16, 2005
isang bagay lang ang maaaring magdulot ng martial law: pandemic. kung mamamatay ka na aantayin mo pa ba ang kongreso? i find it strange how some people cannot stand long silences. a photographer's work is never done; it develops. it is better to learn kindness than politeness. kakayanin ko pa kaya mabuhay kung paralisado ang buong katawan ko? hindi ako isang hawking. astig talaga si isting: ders da black hole sun in the sun too-daaaay. ala-singko na, naka lab ka pa?
Posted by sonicmute at 4:29 PM 0 comments
Sunday, October 09, 2005
our_song.mp3 (right-click save target as)
my most upbeat not-so-happy song so far
Posted by sonicmute at 10:28 AM 0 comments
Tuesday, October 04, 2005
hahaha! eto na ang pinaka skwater kong kanta! lumabas nalang bigla sa ulo ko parang hatsing. (save target as dito)
labsong
eto ang plano
ganito, ganito
sisikat tayo
hit na hit,
parang anghit
kailangan lang magpagupit
at maalalang mag-ahit
wag mag drugs, wag iinom
magensayo, alagaan ang instrumento
mag cologne, mag polo
dahil alam ko na ang sekreto
panalo ang manok na to
kung gusto mong sumikat
labsong ang gawin mo
iisa lang ang hanap ng pilipino
yung may tampuhan sa umpisa
pero lampungan sa dulo
pakipot na romansa
malanding mga nota
pwedeng maangas, malupit
basta may chorus na swit
parang anghit
ito ang patok
ang nakout na sapok
kung gusto mo sumikat
labsong ang gawin mo
ito ang dating daan
ito ang katotohanan
wag mong pahirapan ang iyong mga fans
sa mahihirap na chords
at lyrics na may sense
dapat senti, dapat madrama
kung gagawa ng video, dapat may kama!
Posted by sonicmute at 8:42 PM 0 comments
Labels: music
Sunday, October 02, 2005
ano ba itong tinatawag nating wikang filipino kundi tagalog na dinamtan ng bandila ng komisyon ni quezon. makatarungan bang hirangin ang isang dayalekto sa ibabaw ng iba? ang mga taga cebu ay nagsisikap magaral ng tagalog, pero ang mga taga maynila ba ay nagaaral ng bisaya? sangayon ako na dapat bilingual ang linggwahe, pero bakit hindi nalang Ingles at Katutubong Wika (Hilagaynon, Bisaya, Chabacano, etc. kung san ka mang rehiyon lumaki). ang wikang filipino ay isang imbensyon ng mga tagalog na gustong koopalin ang mga taga-Timog. pagyamanin ang lahat ng wika sa pilipinas at hindi lang tagalog. ang maynila ay hindi buong pilipinas (na madalas kalimutan ng mga taga-maynila).
Posted by sonicmute at 9:57 AM 0 comments